At dahil sa na-tag ako ni Kuletz, mapipilitan akong mag share este kagustuhan ko pala mag share ng NDEs.. =D balikan natin ang aking nakaraan..
pasensyahan nyo na mga typo ko(lagi naman eh sakit ko nato =D )
BULKANG PINATUBO
Pinanganak ako sa zambales my business ang erpat ko dun nung maliit pa kami grade 1 ako nung nangyari angpagputok ng pinatubo naalala ko yung nakahiga kami sa kwarto namin that time, pabagsak na pala ang bubong at kisame ng bahay naminnuon na muntik naming ikamatay lahat maswerte kami dahil may nabili si ermat na Santo St. dominic yung may asoat yung isang kamay nya diba nakaturo sa taas? yung kamay nung santong yun ang sumagip sa aming lahat dahil nung bumagsak yung kisame ng bahay aynakatukod ito at sa kamay nya.. di ko alam kung paano nang yari yun dahil sabigat ng bubong at kisame eh hindi ito bumagsaksaka lang sya bumagsak nung nakaalis na kami sa bahay.. palipat lipat kami ng masisilungan nun.. halos lahat ng matirhan namin ayminsan lubog na sa lahar kaya lipat uli.. ang huli naming na silungan nun ay simbahan.. malaki iyon at hindi lang kami ang tao dun pero mararamdaman mo talaga na pag pumutok ang bulkan eh lilindol ito at parang mawawasak ang simbahan.. nag pasya kaming umalis dun at ayun bumagsak ngaito buti nalaamang ay nag pasya ang magulang ko na umalis sa lugar na yun.. nag byahe kami papuntang pampanga at dun kami tumuloy..
SA ILOG
Bata palang ako ay madalas akong nauutusan ng mahal kong lolo na magpastol ng kalabaw..Kahit mapapaso ka sa init ng araw ay okay lang dahil andun naman lahat ng mga kaibigan ko,kung ano ang ginagawa nila pareho rin nag papastol din ng kalabaw..
So one time oras na ng pag papaligo ng kalabaw mga 5 pm ng eksaktong oras sa pag papainom atpagpapaligo at dahil malapit kami sa cagayan river(longest river in the Phil.) eh dun kami laginglumalangoy kasabay ang mga kalabaw.. medyo maselan ang panahon nun at ang agos ng ilog ay malakas..napunta sa gitna ng ilog ang kalabaw ko, at dahil takot akong mawala ito at kahit hindi ako marunonglumangoy eh sinundan ko sya.. nataboy ko naman ang kalabaw papunta na pampang pero ako yung na tangay ngalon.. pagitna ako ng pagitna at palalim ng palalim ang kinalalagyan ko nagpumiglas ako at humihingi ng tulongsa mga kasamahan ko subalit wala silang magawa masyadong malayo na ako sa kanila at hindi na nila ako kayang tulungannawalan na ko ng lakas at papalubog. Ang pakiramdam ko nun eh tipong humihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan.. paranglumilipad na hindi ko ma explain kung bakit..inangat ko ang aking kamay baka sakaling makuha pa nila ako..My naramdaman akong matigas na bagay na parang lumulutang pilit kong umahan pa at mahawakan yun.. hindi ko alam kungpano ko nagawang umahon at sumampa sa lumulutang na malaking kahoy sa gitna ng ilog.. umiyak ako akala ko katapusan ko na talaganung time na yun.
High School ko naman halos lahat kami ng mga lalake sa section 2 noon ay my bisekleta pag break time namin lalo paghapon didiretso kami ng ilog para maligo my time na sumama ako kahit hindi ako marunong lumangoy..Halos lahat ng mga kaklase ko eh marunong lumangoy at contestant pa sila sa Palarong pambansa.. kaya naman nagtrip ang mga itona magpustahan lumangoy.. pupunta sila sa kabilang isla at kung sino una makararating eh sya panalo ang layo nun grabe.. tapos babalik pa silawala akong magawa kundi naligo nalang sa gilid habang pinapanood sila.. nag hubad ako ng damit at bigla akong nadulasleche sa gilid palang pala ng ilog na yun eh.. malalim na saktong wala pa naman sila napupumiglas ako at unting unti akong lumubog..buti nalang may nakakita sa akin na bata(tanya ko nun eh baka 6 years old palang sya) grabe laking pasasalamat ko talaga sa kanya nun..Namimingwit sya nun para pang kain nila..
Cge makiki-tag narin ako… kayo mga guys ano nakaraan nyo?
bodoodles
joshmarie
Chyng
womanwarrior
Na-tag ako ni Kuletzkie. NDEs.
Friday, November 7, 2008 | Posted by Cutedanger at 2:05 AM 8 comments
Labels: seryoso
Subscribe to:
Posts (Atom)