Hello TUGUEGARAO

Sa wakas makaka uwi nanaman ako ng tuguegarao kung saan andun yung magulang ko, lolo't lola at mga tropa ko, fiesta kasi namin ng august 4 at tyak lasingan to the max..
Ganito naman tuwing uuwi ako dun lasingan, lasingan lasingan lalo na pag andun yung tito sunny ko..
Pero ng namimis ko lagi sa lugar namin eh ang kumain ng pancit batilpatung wow kakain ako nun ng maraming marami hahaha :D tapos habang kumakain ako ng pancit itetext at iingitin ko si
pareng badoodles (pare naimasen yum yum) super special ang order ko with mathching kapitan(gin) na may halong extrajoss..

Namimiss ko yung mga ganitong kainan at inumin dati kasi nung nag-aaral ako dun lagi kami sa pancitan nagiinuman ng mga tropa at klassmate ko.. hindi uso ang redhorse, beer na beer at lights dun.. bentang beta sa amin ay ang kapitan(gin) tapos ang pulutan pancit..
Saan ka nga ba makakakita dito sa manila ng nagiinuman na ang pulutan ay pancit? mostly ang pulutan dito ay sisig, tapa okaya sizzling hotdog(pulutan ito sa crossing likod ng edsa central) kaya gusto kong uminom sa amin dahil namimiss ko talaga to..

So kayo sana ma try nyo to pag makadalaw kayo sa amin.. lahat naman ng kanto sa tuguegarao eh may pancitan kaya di kayo mapapagod maghanap.. tanong nyo lang si
pareng badoodles kung ano ang pinaka masarap na pancit dun at tiyak ituturo nya sa inyo yung malapi sa bahay namain hehehe..