Hotseat!!

Last week lang ay nag draft kami ng players namin sa http://ufc.nba.com/ online tournament na ang labanan ay mga stats ng mga playersna napili mo.. 1st time ko lang sumali dito sa office since last year eh hindi ako umabot sa drafting nila at wala rin akong alam kungpapano manalo sa ganitong classeng laro.. Salimpusa ang tawag ko sa aming mga lahat na baguhan na sumali rito.. So nag offline drafting kamimag kakaoffice mate gumawa kami ng jamroom para dito.. Hindi nila maiwasan na itanong sa akin kung bakit daw nung lastlast week e mag kasama kami nungkaibigan kong girl na umuwi pagkatapos nung kickoff meeting namin.. wala namang holding hands achuachu na nang yari at pilit nilang inaalam sa jamroom naminkung kami na daw ba ng girl.. of course sasabihin kong hindi dahil hindi naman talaga wag kayong kokontra ayaw ko ng issue..so dahil sinabi kong hindi umayos daw ako kung hindi i-invite daw nila yung girl sa jamroom namin.. at ayun na imbitahan nga yung babae sa jamroom namin na dapat ang topic lang aytungkol sa drawting ng NBA e na punta sa akin at sa babae yung topic.. amfufu nga ang tatanda na nila eh.. bumabanat pa sila ng ganitong mga tanong..
Ano masasabi mo kay ryan in one word..?
pag pinaghalo ba ang puti at itim ano magiging kulay?sagot ng iba : fenk, brown, gray
wala sa kanila ang tumama..
ang sagot daw eh.. PUTIM
maitin kasi ako at maputi ung girl kaya nila natanong un..hotseat ako at yung babae sa jamroom namin.. wala akong ibang reaksyon kundi.. tae nilang lahat..Nakakahiya sa babae almost lahat na ng ka officemate ko eh ang alam kami na daw.. taena yan I oo hindi ko matatangi na maganda sya pero ang rason lang naman kung bakit ako lagi nyangkasama at kausap dahil ako lang kilalala nya.. kakalipat lang nya kasi galing kasi sya sa kabilang team.. at noon pa mang training namin kilala ko na sya..So para matigil lahat ng tsismis eh hindi ko na lang sya sinasahang mag lunch at umuwi.. kunwari marami pa kong gagawin saka sinabi ko narin na wag muna kaminggaanong magsasama at dahil ma iissue kami rito sa office.. Ang kaso issue parin pag hindi ko sya sinamahan mag lunch.. yung ibang ka office mate ko eh.. sinasabihan akomag isa lang daw syang naglulunch bakit hindi ko na daw sina samahan... next time samahan ko na daw sya.. ang kapal ko namanpag sasamahan ko pa sya eh.. kakalipat lang nya naissue na sya dahil sa akin.. kaya mula pa nun dyahe talagang manligaw sa office..