PAG-AARAL

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

6 comments:

Axel said...

Naks naman, ang seryoso naman ng post mo...

Pero tama ka dun, dalawang dekada ka lang maghihirap kaya pagtiyagaan mo na lang...

Tama ba pagkakaintindi ko, ang unibersidad na libre ay and buhay mismo at ang mga guro ay lahat tayo... Dahil lahat tayo ay may matutunang aral sa bawat isa at sa buhay mismo...

Oi, bakit nawala ka sa forums??

Cutedanger said...

axel - seryoso ba hindi naman masyado. tama ka pre kaya lahat tayo ngaun enrolled parin.. :)
salamat at napadaan ka.. wala pa ko sa mood na mag forum baka next week.. ;) mangungulit ulit ako.. =D

Axel said...

Wow, ang taray naman... Dapat pala may mood... hehehe...

Sige pareng Arhey, miss ka na namin eh... Ikaw na ang bagong Indianero ng Greenies... hahaha

womanwarrior said...

wow! makabuluhan tong sinulat mo, cd. pahiram ng ibang linya ha? magamit sa mga anak ko. :)

o ayan, di lang ako ang naghihintay sayo sa forums. nabawasan kasi ng kakulitan si buhok (peace axel, lola to. ahihih)

Cutedanger said...

axel - wahahaha Indianero na kung Indianero hehehe.. nagbabasa parin ako sa forum ;)di lang ako nag lologin =D.

lowla - nabawasan ba dapat lang parating na jowawis nya baka.. masuplong sya pag maglalandi pa =D.
sige po gamitin mo lang kung makakatulong yung mga linyang yan ;)

Axel said...

@ Lola >> inaaway mo nanaman aku... huhuhu... =(